NOTICE: I'VE MOVED! COME SEE ME @TUMBLR
--- 04/27/2012
1.10.2009
Since only Eyeshield21 will be updated this week, I decided to hold it off and post this instead. :D
For plasticpistols over at LJ. Translations are here, dearie~ <3>
ANG MGA BABAE TALAGA OO
[Women just can't help but be women, really...]
by redrope
*grabe. usapang lalake* [Wow. A man-to-man talk.]
*sindi ng yosi* [Lights a cigarette.]
*hithit* [Takes a drag.]
*buga* [Exhales smoke.]
Musta na, pare? Ako, okay lang. Eto. Nagmumuni-muni. Nag-iisip. Minsan talaga may mga bagay na hindi ko maintindihan. Ewan ko ba.
[How are you, man? Me, I'm okay. I was just brooding. Thinking. Sometimes there are things that I just can't understand. I don't know...]
*hinga ng malalim* [Takes a deep breath.]
Bakit ba ganun pare, ilang beses ko na pinag-aralan pero lagi na lang lumalabas na parang kahit 'sang anggulo mo tingnan, hindi nagiging patas para sa mga lalake ang ilang bagay pagdating sa pagmamahal.
[Why is it that, even though you look at it from all the different points of view, it's like men are always the underdogs when it comes to love?]
*tingin sa stars* [looks at the stars]
Minsan naiisip ko, alam kaya ng mga babae ang hirap ng lalake na gumawa ng first move para magtapat ng pagmamahal?
[Sometimes I can't help but think whether women know how hard it is for the men to make the first move to confess their love...]
Eh yung hirap na dinadaanan sa panliligaw at pagsuyo sa mahal nya?
[... Whether they know how hard it is for a man to court the woman he loves...]
Ang feeling ng masaktan pag nabasted?
[How hurtful it feels to be rejected...]
Malamang-lamang siguro, hindi ano. Wala naman yata silang alam sa mga paghihirap naten e. Ang alam lang ata nila e mamili, manakit, at magsaya. Tingin mo?
[I don't think they really understand. I bet they don't know anything about our hardships. Seems to me that the only things they do know are to shop, hurt men and be selfishly happy. What do you think?]
*tingin sa malayo* [Looks unseeingly into the distance.]
Lagi naman ganun. Una pa lang, lalake na ang naghihirap.
[It's always like that. First and foremost, men are the ones who try the hardest.]
Hassle saten ang panliligaw pero bago pa yun, kung ano pang diskarte ang gagawin naten para masabi naten sa kanila na mahal natin sila. Alam kaya nila yun?
[It's a hassle for us to court women, but even before that we already make such a great effort into thinking up moves on how to confess to them. Do they know about that?]
Mahirap magsabi na mahal mo na yung babae, diba?
[It's hard to tell a girl how much you love her, right?]
Tapos liligawan pa naten. Patutunayan na mahal nga sila. Susuyuin to-the-max. Maghahatid sa bahay, tutulungan, sasabayan, palalamunin, pagtyatyagaan, lahat na. Kulang na lang e pagsilbihan mo nang walang sahod.
[And even after confessing, we still have to court them. Prove to them that we really do love them. Give into whatever their whims are, whenever. Be it to walk them home or to help them with trivial things, accompany them, feed them, answer to their every call, everything! The only thing missing is for us to enslave ourselves and serve them without pay.]
At ano ang kapalit? [And what do we get in return?]
Well, depende sa trip nila. [Well, of course it depends on their mood or whim.]
Oo tol, sa trip lang nila. Wala silang pake kesehodang mahal natin talaga sila. Basta ang alam nila, pag di nila tayo trip, isang malaking HINDE ang makukuha naten, kahit umiyak pa tayo ng dugo o lumuhod sa mga asing buu-buo. Para lang silang namimili ng damit na 'di man lang sinusukat bago ayawan.
[Yeah bro, it just depends on their whims. They don't really care even if our feelings our genuine. The only thing they do know is that if we're not good enough in their standards, in the end, all we get is a big fat NO. It wouldn't matter even if we cry blood, or if we get down on our knees and kneel on rocky ground. They won't even give us a chance before telling us to take a hike.]
Kaya kahit mahal na mahal na mahal na mahal natin, sorry tayo.
[Even if we really truly honestly madly deeply love them, we can't do anything.]
Hindi nila alam kung mahal mo sila. Kailangan mong maabot ang kanilang mga standards o uuwi ka lang na bad trip, iiling-iling, at minsan, luhaan.
[They don't know how true your love is. You have to reach their standards unless you want to go home depressed and disappointed... even crying at times.]
Wala tayong magagawa, marami silang alibi. [We can't do anything since they have lots of alibi.]
"Hindi pa 'ko ready eh..." ["I'm still not ready..."]
"Sorry pero I think we should just be friends.." ["Sorry, but I think we should just be friends.."]
"Ha? Uhhmm..nagpapatawa ka ba? Hahahaha.." ["Huh? Uh, was that a joke? Hahahahahah.."]
"Better luck next time na lang muna, okay lang?" ["Better luck next time, okay?"]
"Give me a decade. Pag-iisipan ko muna.." ["Give me a decade. I'll think if over first..."]
"Para lang kitang kapatid e.." ["But you're like a brother to me..."]
Yaddah yaddah. [Yaddah, yaddah.]
Isang malaking pagsasaklob ng langit at lupa 'yon para saten. [It's like we're being crushed by the heavens and the earth.]
*kuha ng bote ng beer* [Grabs a bottle of beer.]
*lagok* [Drinks.]
*lunok* [Swallows.]
At hindi lang 'yon tol. Sa pre-relationship stage pa lang yon. Pag sinagot na nila tayo, satin pa rin ang hassle.
[And that's not all, bro. That's just in the pre-relationship stage. If they agree to become a couple, we are still troubled.]
Tayo daw ang mga lalake kaya tayo ang hahawak ng relasyon. Tayo ang aayos kung may gulo; tayo ang dapat magpapakabait; tayo ang magtatyaga; tayo ang magiging devoted at faithful; tayo, tayo tayo.
[They insist that as men we should be the ones commanding the relationship, that we should be the ones to fix the mess, that we should try harder to be good, that we should be more industrious, that we should be more devoted and faithful. It's always about us and our contributions to the relationship.]
Sila? Ummm? Teka, isipin ko.
[It's never about them.]
Ayun. [So there.]
Sila ang magsasabi kung anong oras kayo dapat magmeet; sila ang magtetext ng mga mushy at kabalbalang texts; sila ang magdedemand sayo ng kung anu-ano; sila ang magbabawal; sila ang magsasabi kung kelan ka dapat mag-shave, kung kelan ka pwedeng tumawag sa bahay nila, kung kelan sila di dapat bad tripin dahil meron sila, at kung kelan ka corny.
[They are always the ones setting the time and place for meet-ups, they're always the ones sending mushy and nonsensical messages, they're always the ones demanding stupid and unnecessary things, they're always the ones restricting our movements, always the ones telling us when to shave or when to call their houses, always the ones to dictate us when not to piss them off because of a certain time of the month, they're always the ones telling us that your joke just didn't sell.]
Ewan. Ganun ata talaga. [I don't know why that's the way it is, but it is.]
*kuha ng bote ng beer* [Grabs beer bottle.]
*lagok* [Drinks.]
*lunok* [Swallows.]
Hindi pa yun tapos pare, dahil dapat tayo ang bahala kung ano ang magiging takbo ng relasyon. Pag maganda, eh di okay. Pag may problema, kasalanan naten. Haay buhay. Minsan talaga kung tutuusin sakit sila ng ulo. Kaya lang mahal naten kaya di na natin iniintindi yun.
[And that's not all, bro, because it's the men that are always blamed for the effects of decisions in the relationship. When things are good, they're happy. But when there's a problem, it's always our fault. Sometimes I just can't help but think that they're just a bunch of headache-inducing ninnies. But we still tolerate them because we love them...]
*hinga ng malalim* [Takes a deep breath.]
Pero alam mo tol, feeling ko mas sincere pa tayo magmahal sa kanila. Alam mo yun, iba tayo magmahal e. Hindi lang parang laru-laro lang. Seryoso. At kung magmahal man tayo, lubus-lubusan. Mas mature. Hindi yung parang pambata lang gaya nila na kesyo magseselos-selos, iiyak-iyak, iina-inarte, dadradrama, at kung anu-ano pa. Hindi lang kababawan. Ka-mushyhan. Kababaihan. Iba tayo pag nagmahal.
[But you know what, bro? I feel like we men are more sincere in our love compared to them. You know? We're different when it comes to love. We don't think of it as playing around. We're serious about it. And when we do love a girl, we give it our all. We're more mature. Our love isn't the puppylove type like theirs, with all the jealousy and crying and drama and all that shit. Our love isn't full of shallow things. Of mushy things. Of girly things. We men are different when we love.]
*hinga ng malalim* [Takes a deep breath.]
*tingin sa malayo ulit* [Looks into the distance again.]
At ito pa ang pinakamasaklap. [And this is the worst part...]
*singhot* [Snivels.]
Ang ending ng relasyon. Sa mga panahong 'to, either sawa na sila, hindi na tayo trip, may nahanap na silang better saten, o kaya they need f*cking space and time muna.
[The ending of the relationship. They usually end it because they tired of it, or because they claim not to like us anymore, or that they've found someone better, or that they need fucking space and time.]
Bad trip no? Wala na naman tayong choice. Sila ang masusunod.
[Damn it. But we don't have any choice. We can't do anything but follow them.]
At ano pa ang kasamang hassle don? Syempre wasak na ang imahe naten. Tayo ang lalabas na may kasalanan. Na playboy.
[And what of us? Of course our image is ruined. We're the ones who are going to look like the bad guys. We'll appear like we're playboys.]
Na nagpapaiyak.
[That we just make girls cry.]
Tayo siyempre ang mga antagonist at sila yung mga bidang inaapi at parang mga pusang iiyak-iyak.
[Of course we're the antagonists and they are the stereotypical protagonists - the crying underdogs. ]
Ang ending: mag-ooffer sila ng "friendship" kuno matapos tayong pagsawaan, lahat ng gifts naten nasa kanila, sawi tayo sa pag-ibig, "player" na ang image naten, at higit sa lahat, mag-iisip kung papaano ipagpapatuloy ang buhay. Maiiwan tayong tulala, mag-iisip kung saan nagkamali, mamomroblema sa pag-aadjust sa pagiging single, at di na naman makakatulog.
[The ending: They'll offer you friendship - all that after they became tired of us, having all our gifts with them, us with nothing but broken hearts and the playboy image. The only thing we can do then is to think of how we're going to get our lives back on track. We'll be left staring into space, thinking on where we went wrong, brooding over our being single, making us lose our precious sleep.]
Haay buhay. Ang hirap maging lalake. Lagi ka na lang naiiwan sa ere. Ano? Hindi ka na nagsalita? In-love ka no?
[-sigh- It's so hard to be a man. You're always the one being left behind. What? Why won't you speak? You're in love, aren't you?]
Ako, kamusta? Eto. Yoyosi-yosi. Bubuntong-buntong hininga. Titingin-tingin sa bituin. Mumuni-muni. Lalagok-lagok ng alak.
[Hey, how are you? Me, I'm just taking a drag. Sighing here and there like an old housewife. Just looking at the stars, brooding. Just drinking some beer.]
Ang mga babae talaga, oo.
[Women just can't help but be women, really...] Note: It can also be read as: [That's just how women are, really.]
---
[Men can't help but be men, really.]
(tugon kay redrope) by xristel
Ano ba itong si redrope?
[WTH redrope?]
Kaming mga babae na naman ang nakita. Lalake, agrabyado. Lalake, kinakawawa. Lalake, hindi maintindihan. Hmmp, parang masyado yatang nagisa ang mga kabaro ko.
[It's us women that he's targeting again! Men, the underdogs. Men, taken advantage of. Men, unappreciated. Hmph! I don't think that's how it really works!] Note: That last sentence.. I wasn't sure of it myself, so I just added something I thought would fit.
Tungkol sa pagiging patas sa ngalan ng pag-ibig, kami naman ang laging talo ah, hindi kayo. Kami ang laging lugi, kami ang laging nawawalan at iniiwan.
[If it's about the fairness when it comes to love, we women are always the losers, not you. We are always the ones being losing, we are always the ones being left behind.]
Kapag ngumiti ka na ng konti, nag-ayos ng konti pagkakamalan ka nang malandi. Hindi pangseryosohang relasyon. Marinig lang nila na malakas kang magsalita, palengkera ka na. T.O. kagad sa kanila iyon. Mahilig silang tumingin sa mga babaeng sexy manamit, kulang nalang makita na kaluluwa. Pero kapag babaeng seryosohin at gustong ligawan dapat disente, dapat mala-anghel ang mukha, dapat mukhang inosente. Tapos kami pa raw ang mahilig mamili?
[When you smile a little andfix your hair some, you're already labeled as a slut. Not a girl anyone would want to have a serious relationship with. Even if they just hear you talking in a loud voice, you're already considered as brash and uncouth. Men are easily turned off by you. They like looking at girls who dress sexily, looking like they'd just as much be naked. But when they want a girl they can have a serious relationship with, they look for someone decent, someone with an angel-like face, someone who looks innocent. And they say women are the ones who like choosing their partners.]
Parang baliktad yata? [Isn't it the other way around?]
Ok, ayan nanliligaw na si lalake. Dapat pakipot ka para suyuin ka, para habulin ka pa lalo.
[Ok , so guy moves to court a girl. Of course the girl is expected to play hard to get in order for the guy to put some more effort into it.]
Kapag hindi ka naman nagpakipot "easy to get" naman ang tingin sa iyo.
[Because if you don't play hard to get, they'll think of you as "easy".]
Hindi ka na seseryosohin. Sino bang may sabing magpaalila kayo, di naman namin hawak ang buhay niyo. Natural lang na magtiis kayo, may gusto kayo sa amin eh. Kapag nakuha niyo na iyon wala na lahat ng mga paghihirap niyo, babaliktad na ang sitwasyon kami naman ang mamromroblema. Para lang kayong may gustong bilhin na bagay. Upang mabili ito kailangan munang magsakripisyo, magtipid, magtiis. Pag nabili na at mapagsawaan wala na, balewala na. Diyan ka na sa tabi-tabi.
[They won't take you seriously anymore. And who the hell told you to become our slaves, anyway. We don't have any hold on your lives. It's just natural for you guys to work harder, after all you are the ones who claim to like us. When you get what you want from us, it's like everything loses its value and the tables are turned. It's us women then who are the ones suffering. For you it's like when you're saving up for something you want to buy. In order for you to afford it you'd sacrifice a lot, but when you've already bought it and grown tired of it, it loses its value. It just gets discarded.]
"Tawagan nalang kita pag trip ko o kaya'y pag may gusto akong ipagawa sa iyo."
["I'll call you when I want or when I have something for you to do."]
Ano pa ba? Eh di sinagot mo na diba. Utang na loob pa natin yun. Dahil naghirap daw sila sa panliligaw dapat masuklian natin iyon ng higit pa. Sa umpisa kailangan malambing ka, maayos at laging magsisilbi sa kanya. Ayaw daw nilang humawak ng relasyon, pero kapag ikaw naman ang nagmando, aba, masasakal naman. Sasabihin pa sa iyo "demanding" ka.
[What other reason is there? You already answered it. You make it sound like we're in your debt or something, that we should be thankful for your sacrifices because you put some effort into courting us. You make it sound like you're expecting us to pay you back for the courting. The way you said it seems like you also expect us to cater to all your needs. You say you don't like being the ones made to control the flow of the relationship, but when we try to take over, you complain of being stifled. And you tell us that we're demanding.]
Meron ka pang maririnig na "I think we need space" at kung anu-ano pang ek-ek.
[You'l even hear some "I think we need space" bullshit.]
Sino rin may sabing di dapat kami magpakabait, maging devoted at faithful?
[And you make it sound like it's a chore to be more devoted and faithful!]
Kapag kami ang sumuway niyang mga iyan, iba na ang tingin sa amin.
[When we try to set them right, men are quick to change their opinions of us.]
Malandi na kami, haliparot, pakawala, makikay at kung anu-ano pang mga bansag ang itatawag sa amin.
[We become sluts and whores and demoralized bitches to their eyes. ]
Kapag kayo gumawa noon, ok lang. Lalake kayo eh, macho kayo pag ginawa niyo yon. Kaya kami, walang magawa. Magpapakaburo at magpapakamadre nalang. Kapag nagloko na kayo ano pa bang magagawa namin? Eh di iiyak nalang. Wala namang ibang magagawa eh.
[When the men are the ones doing it, it's okay. Since they're men, they look macho doing it. And we females can't do anything about it. We just accept our fate blindly. What else are we to do when you go astray? Nothing but cry. We can do nothing since we're just women to you.]
Tungkol naman sa tinatawag niyong pagdedemand namin. Hindi kami nagdedemand! Karapatan lang namin iyon. Karapatan namin na lambingin niyo kami, icheck at ipakita sa amin na mahal niyo kami.
[And about women being demanding... We are not! What we ask for are just our rights, including our right to be treasured and cared for by you. Since you claim to love us, then show us.]
Hindi rin ibig sabihin na mas sincere kayo sa amin. Seryoso rin naman kami ah. At ang maturity wala yan sa edad. Mas maaga nga kaming magmature sa inyo. Ang isang 19 year old na lalake eh, isip 15 pa yun. It follows iyan sa lahat ng age group. Mas mataas pa nga kung minsan ang pagbawas ng level of maturity. Kayo na ang mag-math. Pati yung pag-iyak namin pinupuntirya niyo. Kesyo drama daw. Diba kapag umiyak ka nagbuhos ka ng emosyon diyan. Ano tingin niyo sa amin mga artista?!
[And that doesn't mean that you're more sincere than us women. Of course we're serious when it comes to love. And maturity really doesn't rely on age. Women mature earlier than men. A 19 year old male only has the maturity level of a 15 year old. You do the math. And you're even making such a big deal out of our crying. You say it's just dramatics, but it's when we cry that we are showing our emotions the most. What do you think we are, artists?!]
Note: She means here that women aren't artists in that they can conjure a batch of tears just for the effect of crying. Simply put, women are genuine when they cry.
Alam niyo iyon?
[Do you understand that?]
Yun bang kulang na lang ay lumuha ka na ng dugo, pero hindi ka pa rin papansinin. Sasabihan ka pang tigilan na ang pagdradrama.
[It's like the only thing missing is for us to cry blood, but even then we women would still be ignored. We'd be even told to stop acting like brats and to quit making such a fuss out of small things.]
Hindi nila kami maiintindihan kapag nagseselos kami. Bakit naman kami magseselos kung wala kaming nakikita?
[They can't understand us when we get jealous, but they just don't see that we wouldn't be so jealous if they would stop flirting with other people.]
Mas iba kaming magmahal. Mas masarap.
[We women are different when we love. Our love is sweeter.]
Kapag natapos na ang lambingan, eh di siyempre iwanan blues na. Kami pa raw ang nagsawa, kami pa raw ang nagtritrip lang. Sino ba ang lumalayas kapag may nakita nang bago, sino ba ang mayabang, sino ba ang nagmamalaki? Kami ba? Kami ang walang choice. Kasi ang babae pag sinabing "break na tayo" lambingin lang iyan ng konti balikan blues na iyan.
[And when the pre-relationshiop sweetness wanes, the men start thinking of ending the relationship. You say that it's us who grow tired of the relationship, that it's us who are in it for the thrills. But who do you think leaves first just because there's someone new? Who is the arrogant one? Who's the one who always thinks he's higher? Is it us? We women don't have any choice. Even if we're the ones to decide to end the relationship, men just start to treat us sweetly and then we'd be wrapped around their fingers once again.]
Kapag ang lalake ang umayaw, pucha, bahala ka diyan. Kahit mag-tambling ka pa sa harap niya. Wa-epek. Umiyak ka ng bato. Wa-epek. Tsk, tsk, tsk. Tapos sila pa raw ang kawawa.
[But when it's the guy who decides to stop the relationship, damn it, we can't do anything. Even if we do cartwheels in front of them, there'd be no effect. Even if we cry diamonds, no effect. Tsk, tsk, tsk. And they say they're the underdogs.]
Post-break up, mahal pa ng babae si lalaki. Sasamantalahin ni lalaki. Magpapagawa ng kung anu-ano.
[Post-break up, the girl still loves the guy. Guy takes advantage of it. He'd start asking a lot of favors.]
Naaalala ka lang kapag may kailangan sa iyo.
[Men only remember you when they have something to ask of you.]
Kapag pumangit ka after the break up, magpapasalamat sila na iniwan ka nila. Kapag gumanda ka naman, ipagkakalat nila sa buong sangkatauhan na naging girlfriend ka niya. Sala sa init sala sa lamig talaga.
[If you become ugly after the break up, they'd keep thanking the gods that they decided to leave you. But if you become beautiful afterward, they won't stop bragging to everyone that they scored with you once. Damned if you do, damned if you don't.] Note: that last bit wasn't the exact translation, but I think it's the closest phrase to the thought that men still have the last say even after the break up.
Ano ba namang buhay to? Ang hirap ding maging babae ano. Kala nila laging sila nalang. Lagi rin kaming naiiwan sa ere. In-love din kami.
[What kind of life is this? It's hard being a woman, you know. They keep on thinking that they're the only ones suffering. But in reality we're the ones always being left behind. Like them, we also fall in love.]
Ang mga lalake talaga, oo.
[Men just can't help but be men, really...] Note: Again this could be read as [That's just how men are, really.]
NOTE: Ahahahah, I think I failed in translating this crap. It was a little hard to find correspoonding translations for the Filipino slang, so I had to improvise a bit. I hope I was able to relay the meanings as accurately as possible. :D
5 came and got fooled:
thanks for translating.
that was lovely.
It was very literal, though..
I'll try to fix it when I have more active brain cells.. XD
yeah, but the guy was right
and the girl was just being irrational
:P :P :P
Aah, but you forget. I'm also a girl, so...
XD
galeaya.blogspot.com is very informative. The article is very professionally written. I enjoy reading galeaya.blogspot.com every day.
payday loans calgary
online payday loans
Post a Comment